Philippine Local News

Deniece Cornejo, bakit nga ba sumulat kay PNoy?

June 11, 2014 Philippine Local News / Showbiz News

Sumulat kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III si Deniece Cornejo, na isa sa mga akusado sa umano’y pambubugbog sa aktor na si Vhong Navarro.

Sa ulat ng GMA news “24 Oras” nitong Martes. sinabing nakasaad sa sulat ang pagpapaliwanag ni Deniece tungkol sa ginanap na pagdiriwang ng kanyang ika-23 kaarawan noong nakaraang Hunyo 1 sa loob ng tanggapan ng PNP-CIDG sa Camp Crame sa Quezon City.

Sinabi ng dalaga na karapatan daw niyang magdiwang ng kaarawan kasama ang kanyang pamilya, mga kaibigan at iba pang kaanak lalo ngayong may mabigat siyang pinagdaraanan.

Ayon pa kay Deniece, hindi naman daw niya hiniling na bigyan siya ng special treatment.

Ang mga lobo at cake ay regalo raw ng kanyang mga bisita bilang suporta sa kanya at hindi na naman daw niya ito pwedeng pigilan.

Ayon naman sa Palasyo, hindi pa nakakarating sa kanila ang sulat ni Deniece.

Related Posts

All About Juan