Crazy

[WATCH] Pulis na pinalabas sa bar, bumalik at namaril; 1 waiter, patay

October 2, 2014 Crazy / Other / Philippine Local News / Philippine Trending Videos

Isang nakasibilyang pulis ang pinalabas ng mga bouncer sa isang bar matapos magkaroon ng kaguluhan. Hindi nagtagal, bumalik ang suspek at namaril na ikinamatay ng isang waiter at ikinasugat ng isang bouncer sa Lapu-lapu city, Cebu.

Sa ulat ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules, ipinakita ang kuha sa closed-circuit-television camera sa nangyaring kaguluhan sa loob ng bar at pagpapaalis sa lalaki na hindi agad nakilalang pulis.

Hindi nagtagal, nakita sa hiwalay na kuha sa CCTV sa labas ng bar ang pagbalik ng lalaki na armado ng baril. Pinaputukan nito ang bouncer at namaril sa loob ng bar at tinamaan ang nasawing waiter.


Police Inspector Rogelio Amoroso2

Kaagad namang rumesponde ang mga pulis at naaresto ang suspek na saka lamang nakilala na si Police Inspector Rogelio Amoroso, na nakatalaga sa Law Enforcement Section.

Tumanggi umano si Amoroso na magbigay ng pahayag sa media pero sinabi raw nito sa mga kapwa niya pulis na may nanuntok sa kaniya sa loob ng bar kaya nagkaroon ng gulo.

Sinampahan si Amoroso ng mga kasong murder at frustrated murder, at nahaharap din siya sa kasong administratibo.

Related Posts

All About Juan