Showbiz News

Lola Tinidora, nagpakita na! May bagong rebelasyon tungkol sa pagkatao ni Yaya Dub

August 28, 2015 Showbiz News

Pumasok na sa eksena ang pangatlong kakambal nina Nidora at Tidora sa pagpapatuloy ng kalye-serye ng Eat Bulaga ngayong Biyernes.

At may isang malaking rebelasyon pa si Lola Tinidora tungkol sa tunay na pagkatao ni Yaya Dub.

Pero ‘di tulad ng inaasahan, sinabi niyang hindi siya ang tunay na ina ni Yaya.

Sa halip, ibinahagi ni Tinidora na ang isa pa nilang kapatid nina Nidora at Tidora ang totoong ina ni Yaya.

Sino naman kaya ito?

Samantala, muli namang nagbalik ng Bicol si Alden para makumpleto ang hamon ni Lola.

Babala pa ni Nidora, maghanda raw ang binata para sa mas matinding hamon ngayong Sabado.

Ito na kaya ang tamang panahon para magkita sina Alden at Yaya? Abangan bukas sa Eat Bulaga.

Source: GMA News

Related Posts

All About Juan