Showbiz News

Ito ba si Isadora, ang ina ni Yaya Dub?

September 1, 2015 Showbiz News

Absent sa kalye-serye ng Eat Bulaga si Yaya Dub ngayong Martes.

Kaya naman si Lola Nidora, ibinunyag na ang pagkatao ng kapatid nilang si Isadora, na ipinadala nila sa isang isla.

Ilang babae ang lumabas na nagpapakilalang si Isadora, pero sa pagtatanong nina Nidora, Tidora, at Tinidora, nalamang impostor ang mga ito.

Pero sa wakas, lumabas na ang isang babaeng tila pinagmanahan ni Yaya Dub.

 

Tulad ni Yaya, nagpabebe wave din siya kay Alden.

Pero sabi ni Nidora, isang impostor din ang huling babaeng nagpakilalang Isadora.

Sino kaya ang totoong Isadora? Abangan sa pagpapatuloy ng kalye-serye sa Eat Bulaga

Source: GMA News 

 

 

Related Posts

All About Juan