Showbiz News

What Vice Ganda thinks about AlDub fever

September 4, 2015 Showbiz News

Itinuturing ni Vice Ganda na “healthy competition” ang nangyayaring labanan sa pagitan ng kanilang noontime show sa ABS-CBN na It’s Showtime at sa katapat nilang programa sa GMA Network, ang Eat Bulaga.

Sa ngayon ay umaalagwa sa ratings ang Eat Bulaga! dahil sa pinag-uusapang “AlDub fever”—ang tambalan nina Alden Richards at Yaya Dub o Maine Mendoza.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Vice kahapon, September 3, nagbigay siya ng pahayag kaugnay ng umiinit na kumpitensiya sa pagitan ng kanilang programa at ng Eat Bulaga.

Saad niya, “Bago pa naman nagka-AlDub, talagang may kumpetisyon na ang ABS at ang GMA.

“Hindi lang naman Showtime saka Eat Bulaga.

“Teleserye nila, kakumpitensiya ng teleserye namin… lahat.

“Kaya napakaipokrita, napakaipokrito na pagka sinabi ko, ‘Naku, walang kumpetisyon!’

“May kumpetisyon ‘yan, and it’s a healthy competition.”

Isa sa inaabangan sa Eat Bulaga! ay ang AlDub, kung saan nagpapalitan ng mensahe sina Alden at Yaya Dub sa pamamagitan ng Dubsmash.

Kaugnay nito, tinanong namin si Vice kung totoo ang balitang may isang segment daw na hinahanda ang It’s Showtime kung saan magpapakita rin siya ng husay sa pagda-Dubsmash.

“Of course not, that’s not true,” pagtanggi ng comedian-TV host.
Source: gmanetwork.com

Related Posts

All About Juan