[VIRAL] Avid fan of AlDub blames Vice Ganda for his bad behavior!

2 years ago

Photo from Facebook: Drew Olivar

Photo from Facebook: Drew Olivar

Source: Drew Olivar

Basabasa ALDUB NATION AT ALDUB WARRIORS

Open letter

Ako po si BOY LANDI. Isa po akong showtimer dati. Mababasa po ninyo mga post ko sa timeline ko noong 2011 hanggang 2015 na showtimer talaga ako.

Pinagtanggol ko si VICE noong tinira tira si jesica sa concert nya. Yung kay nabugbog si vhong navarro isa ako sa mga sumuporta sa kanya. Nung may insidente na ginawa si billy isa ako sa mga nakipaglaban para sa kanya kahit hndi ko alam ang story. Yung insidente ni anne curtis na nagsabi ng “i can buy achu chu chu” isa ako sa mga nagpaliwanag sa mga bashers.

Natutuwa ako dati sa showtime at sobrang sayo. Bagong bago at ang galing nila magpatrend ng kung ano ano.

Nagiiyakan pa nga kami dati kung may mga natatanggal na hurado na sobrang tumagal kagaya ni amy perez, ryan bang, andrew e. Etc

nabibigyan din ng spotlight ang mga taong bayan na may real talents.

bago ang mga konsepto..

Pinagiisipan ang mga patimpalak.

Pero malaki na ang pinagbago ng showtime na nagsimula ngayung taon na ito.

Naging matamlay ang mga host.

Nagfocus sila sa walang kakwenta kwentang pastillas girl na yan.

Nagtataka ako kung bakit dun sa segment nila na ADVICE Ganda mas mabibigat pa yung mga problema nila doon pero niloloko loko lang nila at ilang porsyento lang yung kaseryosohan?

Napaisip ako bakit yung hndi naman ganun kabigat na problema ni pastillas girl ang sobrang sineryoso nila?

Nawalan ako ng gana.

At nung nagsalita ako about sa segment na pastillas girl na yan. Andaming bashers na tumira sakin.

Dati si vice nakikinig sa advice ng madlang pipol pero ngayun parang hindi na.

Naging idolo ko po si vice ganda kaya nakita ninyo sa brand of humor ko ay medyo magkaparehas.

Ito ang natutunan ko kay VICE sa ilang years na pagtutok ko ng SHOWTIME.

Natutunan ko manlait, naging opinionated, naging mapagmagaling, naging mayabang at naging pahumble (plastic), naging pabiba at ayaw magpakabog, at lalong lalo na ang pagiging mapagpatol.

Yan po ang natutunan ko sa kanya.

Ngayun mga bashers nagagalit kayo sa ugali ko at mga videos ko, hindi nyo ba naisip na yan ang natutunan ko sa kanya?

Kung nagagalit kayo sakin ibig sabihin nagagalit din kayo kay VICE. Nagagalit kayo sa ugali naming pagkakaparehas ngayun.

Ako ang PRODUKTO ng iniidolo ko noon at iniidolo nyo ngayun na si vice gnda.

at kung sabihin ninyo na TRAYDOR ako at walang loyalty sa showtime, aba gaya ng sinabi ko kanina, idolo ko si vice dahil naging traydor din sya sa gma . Naging kapuso sya dati at may show pa dati pero ngayun nasaan na sya at ano ang mga sinabi nya nung 2011/2012 sa GMA??

O diba?

Ako si DREW OLIVAR aka BOY LANDI
Ang produkto ng isang HALIMAW.
Ako naman ngayun ang magpapasikat!!