Showbiz News

Nadine Lustre picked by netizens to be the next Darna

November 4, 2015 Showbiz News

Photo from push.abs-cbn.com

Photo from push.abs-cbn.com

Source: push.abs-cbn.com

Sa isinagawang poll ng Push.com.ph, mukhang ang On the Wings of Love star na si Nadine Lustre ang napupusuan ng mga netizens na pumalit kay Angel Locsin bilang Darna.

ALSO READ: ABS-CBN launch a poll for the next ‘DARNA’!

Sa total na 5,999 votes, si Nadine ang nakakuha ng pinakamataas na boto kasunod naman si Liza Soberano. 48% ang total vote kay Nadine samantalang 24% naman kay Liza. Sumunod rin naman sa poll ang Pangako Sa’Yo star na si Kathryn Bernardo na may 8% ng boto.

ALSO READ: Will Jessy Mendiola be Included in ABS-CBN’s Darna?

Bukod sa tatlong nagsisikatang teen actresses, si Maja Salvador ang sumunod kay Kathryn na may 7% ng mga boto. Pare-pareho namang nakakuha sina Kim Chiu, Julia Montes at Jessy Mendiola ng 4% ng mga boto. Kasama rin sa listahan si Janella Salvador na nakakuha lamang ng 1% ng boto.

ALSO WATCH: Angel Locsin powerlifting, might be the cause of her spine injury

Gayunpaman, wala pang opisyal na announcement mula sa Star Cinema at ABS-CBN kung sino ang papalit kay Angel bilang Darna ngunit nasabi na ng aktres na may napili nang papalit sa kanya ang network.

Related Posts

All About Juan