[LOOK] Open Letter to Asec Mocha Uson by her fellow Tomasino

1 month ago

Propellerads

open letter to mocha-uson

Photo by Rappler

Para kay Asec. Mocha,

Naranasan kong magsulat sa dyaryo at mabayaran ng 30 pesos per column inch. Hindi lang basta “sulat” yun. Pupunta ako sa coverage na minsan ay walang sasakyan, mag-iinterview, magre-research ng datos at kukuha ng litrato para magamit sa article ko. Swerte nako kapag umabot ng 300 pesos ang bayad para sa isang istorya. Ito ang ilan sa maraming dahilan kung bakit naiinis at nasasaktan ako kapag tinatawag mong “presstitutes” ang mga nasa media. Nakakagalit sa tuwing sasabihin mong biased kami dahil hindi pabor sa iyong pangulo ang naisulat na balita. Oo, marahil may mga nagpapabayad na reporter o manunulat, pero hindi ang buong propesyon. At yung mga tinatawag mong biased at presstitutes, sila yung nagpakilala sa Tatay Digong mo sa maraming Pilipino. Hindi matapos-tapos ang coverage sa kanya noong urong-sulong siya sa kandidatura hanggang sa kampanya. Naaalala mo pa kaya yun? Malamang hindi kasi nabulag ka na ng pera at posisyon at ng paniniwalang hindi nagkakamali ang iyong pangulo.

Nga pala, nakakainis din yung sumesweldo ka ng 106,000 pesos galing sa buwis namin pero hindi mo man lang magawang mag-research at mag-fact check. Higit sa lahat, nakakagalit yung pagbaboy mo sa propesyong alam naman nating naging mahalaga sa kasaysayan hindi lang ng Pilipinas kundi pati buong mundo.

Ang mga batang kasama ko sa litrato ay nangangarap na maging mamamahayag, journo at broadcaster. Huwag sana silang matulad sayo.

Yun lang.

– Justine,
isang lokal na mamamahayag at kapwa mo Tomasino.

photo caption:

“Teaching Journalism in a world of Mocha Usons”