Gusto ko lamang pong mag pasalamat sa inyo mga kaDDS sa inyong patuloy na tiwala. Asahan po ninyo na sa bagong challenge na ito ay patuloy natin ipaglalaban ang TUNAY NA PAGBABAGO sa ating bayan. Ikwento ko lamang po kung bakit ko po ito tinanggap. Alam naman po ninyo na noon pa man ay wala akong pangarap pumasok sa masalimuot na mundo ng pulitika. Hindi ko po ito pinangarap hanggang ngayon. Ngunit dahil sa mga sitwasyon na nakita ko po sa industriya natin sa pelikula at telebisyon ay tinanggap ko po ang pagiging board ng MTRCB. Nabalitaan ko po sa ilang supporters na nangangailangan ng tulong ang Duterte Administration sa larangan ng MTRCB dahil marami daw po ang tumanggi sa position na ito dahil mababa ang sahod. Kaya akin pong naisip na tumulong po dahil ang ating isinusulong ay bolunterismo. Tinanggap ko po itong pagiging board ng MTRCB sa kondisyon na wala po akong tatanggaping sweldo. Sana po ay kanilang tanggapin ito. At kung hindi naman, ibibigay ko po ang 100% na sahod ko sa Duterte’s Kitchen (DK) at sa DSWD Centers/Projects. Akin pong i-video/document sa tuwing tatanggap po tayo ng sahod at idederetso natin ito sa DK at DSWD. Tungkol naman sa mga bleeding hearts hayaan na natin ang mga negative na tao. Ang importante ay tulungan natin ang ating bayan. Tulad ng sinabi ko po, 2017 is the year of the ORDINARY FILIPINO. Mabuhay ang Pilipinas!
*** I promise to help bring change to MTRCB. At sa mga bumabatikos na kesyo magiging malaswa na daw ang MTRCB dahil sa pagiging open-minded ko eh hindi po kayo updated. Matagal na po yang mga video o picture na inuupload ng mga haters. Asahan niyo po, my first mission is to NOT ALLOW SOFT PORN sa TV during primetime. Alam kong mahirap dahil isa lang po ako at madami ang board members ngunit pipilitin natin ma convince ang board na hindi tama na ipalabas ito sa oras kung saan makakapanood ang bata.