Showbiz News

Manolo Pedrosa, makakatambal si Janella ngayong Sabado sa Maalaala Mo Kaya

September 11, 2014 Showbiz News

EX-“PBB ALL IN” HOUSEMATE MANOLO, SASABAK NA SA “MMK”

mmk4

Magkahalong kaba at saya ang nararamdaman ngayon ng former “Pinoy Big Brother All In” housemate na si Manolo Pedrosa sa nalalapit nang pagpapalabas ng kanyang unang sabak sa “Maalaala Mo Kaya” ngayong Sabado (Setyembre 13).

Bibigyang-buhay niya ang karakter ni Hiro Mallari, isang binatang mistulang nawalan ng dahilang mabuhay sa pagkawala ng kanyang “one great love” na si Michelle Ann “Mitch” Bonzo, na gagampanan ni Janella Salvador, dahil sa isang aksidente.

mmk6

Kasama si Mitch sa pitong estudyante ng Bulacan State University na nasawi nang sila ay matangay ng rumaragasang tubig sa Madlum River sa gitna ng kanilang field trip sa Bulacan.

“Napakalaking blessing para sa tulad kong baguhan na maging bida sa isang episode ng ‘MMK.’ Siyempre, marami pa akong kailangang matutunan sa pag-arte pero gagawin ko po ang lahat para magampanan ko nang maayos ang role ni Hiro, lalo na’t ‘yung pinagdaanan niya ay makaka-inspire rin ng iba na katulad niyang nawalan ng isang mahal sa buhay,” pahayag ni Manolo matapos ang kanyang acting workshop para sa “MMK” noong Martes (Setyembre 9).

mmk8

Bahagi rin ng episode na ito sina Lollie Mara, Pinky Amador, Paul Salas, CJ Navato, Raquel Montessa, Yves Flores, at Trina Legaspi. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Nuel Naval at panulat ni Arah Jell Badayos. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-Del Rosario.

Sa loob ng 23 taon, bahagi na ng bawat pamilyang Pilipino saan man sa mundo ang “Maalaala Mo Kaya” na bawat Sabado ay nagpapaluha, nagpapangiti, at nagbibigay-inspirasyon sa TV viewers sa pamamagitan ng mga totoong kwentong buhay na ibinabahagi ng letter-senders ng programa.

mmk7

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, “MMK,” tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng “Wansapanataym” sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like angFacebook.com/MMKOfficial. I-tweet ang inyong saloobin at opinyon kaugnay ng episode ngayong Sabado gamit ang hashtag na #HiroMitchLoveStoryOnMMK.

All About Juan