Showbiz News

Marian refuses to react to Karylle’s ‘two-timing boyfriend’ statement

March 2, 2015 Showbiz News

Dahil sa pamimilit ni Vice Ganda sa isang noontime show noong nakaraang Biyernes, February 27, umamin si Karylle na nakaranas na siya ng insidente kunsan na-“two time” o kinaliwa siya ng dati niyang boyfriend.
Ngunit minabuti ng actress-TV host huwag na lang banggitin ang pangalan ng ex-boyfriend niyang ito.
Marami ang nagulat sa rebelasyon ni Karylle.
Dahil dito, naging maugong ang mga haka-haka na si Dingdong Dantes ang tinutukoy niya dahil, unang-una, ang Kapuso actor lang naman ang kilala at naging kontrobersiyal na karelasyon niya noon.
Kaya naman sa ginanap na press launch para sa kanyang Inner Beauty Bench scents ng Bench, sa Trinoma Activity Center, kahapon, February 28, ang tungkol sa isyung ito ang tinanong ng entertainment press sa misis ni Dingdong na si Marian Rivera.
Sa halip na mag-react, kaswal na sagot ng Kapuso Primetime Queen: “Bakit, si Dingdong ba ang sinabi niya?”
Sabi naman ng press kay Marian, wala namang pangalang binanggit si Karylle.
Kaya sabi ni Marian, “O, wala naman palang sinabi.
“Bakit, si Dingdong lang ba ang ex niya?
“Malay mo… O, si Dingdong lang ba ang ex niya?
“Ngayon, kung ikukumpirma niya na si Dingdong ang ex niya, doon ako magre-react.”
Ikinasal sina Marian at Dingdong noong December 30, 2014; si Karylle naman ay ikinasal sa Spongecola vocalist na si Yael Yuzon noong March 21, 2014.

Not fanning flames

Ano naman kaya ang magiging reaksiyon ni Mrs. Dantes kung sakaling binanggit nga ang pangalan ni Dingdong?
Giit ni Marian, “E, wala naman kinukumpirmang si Dingdong nga yun.
“Ayoko namang mag-react at baka sabihin, assuming akong masyado, or defensive ako.
“Baka nagbibiruan lang.”
Dugtong pa ni Marian, “Ang alam ko, sa Eat Bulaga!, may ganun, problem-solving.
“‘Di ba, kung may mga kuwestiyon kayo, sasagutin ko at magbibigay ako ng advice. Kahit salingkitkit lang ako dun.
“Kasi minsan, ang hirap magbigay ng advice.”

Related Posts

All About Juan