Showbiz News

Rama: ‘Tama na ‘yang kaartehan mo’

June 24, 2014 Showbiz News

“Hindi siya guest. Siya ay part of the family. Lola siya ni Zion, nanay siya ni Sarah (Lahbati, Zion’s mom). Dapat matuto siya na maki-party, makipag-socialize, mag-ikot ka rin sa mga lamesa na ‘Ako ang mother ni Sarah.’ Dapat ganoon kasi family siya eh.”

These fighting words are Gutierrez matriarch and talent manager Annabelle Rama’s reaction to  accusations of Esther, Sarah Lahbati’s mom, that she was treated unfairly at the first birthday party of her grandson, Zion.

Annabelle also addressed Esther’s statement that she was told to pack leftover food at the party.

‘Tumahimik ka na’

“Nakasalubong ko si Esther, sabi ko ‘Maraming tira doon sa catering. Gusto mo magtake-out? Masarap yung catering, ganyan.’ Hindi siya kumibo. Hindi ko alam na masama pala ang loob niya. Tapos hindi naman tira-tira sa kinain ko, tira sa catering. Sabi ko, ‘Bakit siya magagalit eh normal naman sa ating mga Pilipino ang ganoon, ang magtake-out kung may matira?.”

Annabelle added that she told the other guests the same thing.

Annabelle also pointed out that Estherstayed in the house of her (Annabelle’s) son Richard Gutierrez after the party.  So they were surprised to learn that Sarah’s mom was feeling bad all along.

The Gutierrez matriarch won’t apologize to Esther.

 “Day, wala akong ipagso-sorry sa iyo. Day, wala akong kasalanan. Minahal ko ang anak mo, minahal ko ang apo mo. Inalagaan ko silang dalawa. Anong sorry ang gusto mo sa akin? Wala. Kaya huwag ka nang maghintay ng sorry. Wala kang maririnig sa bunganga ko. Magso-sorry ako na wala akong gingagawa? Ikaw ang tumahimik na. Nakatikim ka na ng publicity di ba? Tama na iyan. This time ginagamit mo ang apo mong si Zion. Alam mo na sikat na sikat ang apo mo, gusto mong makisawsaw. Sorry ka na lang, hindi ako magsosorry sa iyo.”

Esther’s new message

Annabelle further accused Esther of being hungry for attention.

“Siguro nga uhaw sa publicity. Bayaan mo na. Nakatikim na siya ng headline, ng front page, ng tabloids. Pero dapat hindi niya ginagamit ang apo niya kasi araw ni Zion iyon eh. Hindi siya dapat nakikisawsaw sa gulo kasi ang araw na iyon ay araw ng apo niya.”

Annabelle added, “Tigilan mo na ang kaarte-arte mo Esther. Ako ay naiinis na sa iyo, huwag mo akong hamunin. Tumigil ka na, tama na iyan. Sobra ka na. Wala naman kaming kasalanan sa pamilya namin, tinitira mo kami? Masyado ka maarte ‘day, hindi mo na-aappreciate, wala ka ngang donation sa party ni Zion. Dapat mag-enjoy ka na sa buhay mo. Tama na yang kaartehan mo.”To Esther’s recent Instagram posts that said her family is not getting due credit for taking care of Zion, Annabelle shoots back, “Kung mahal niya ang apo niya, dapat huwag na siyang magsisisi. Ang lagi niyang sinisisi kay Sarah bakit nabuntis. Hindi ka ba happy na may Zion ka na? Bakit mo isisisi kung bakit siya nabuntis? Hanggang ngayon lagi niyang sinasabi sa anak niya, ‘Bakit ka nabuntis?’ Ako naaawa ako kay Sarah, umiiyak sa akin sa telepono, nagsusumbong sa akin.”

Annabelle also clarified that Esther and her family are free to visit Zion anytime.

Annabelle also accused Esther of not giving Zion enough attention.

All About Juan