Photo from PEP
Sa isang intimate dinner namin with Vice Ganda sa mismong bahay niya sa kilalang subdivision sa Quezon City ay inamin niya sa Push.com.ph na hindi sila aware noon na bumaba ng single digit ang ratings ng It’s Showtime nang lumabas ang AlDub sa Eat Bulaga.
“Noong simula, hindi talaga namin alam, eh. Hindi kasi talaga sinasabi ng management. Kahit minsan, tinatanong namin, hindi naman kami sinasagot.
“Eh minsan, sa Twitter, lumalabas ang ratings, pero hindi naman regular. Hindi talaga sinasabi sa amin ang ratings, eh,” kuwento ngIt’s Showtime host.
“Kaya ’pag nagtanong kami, ‘how are we doing?’ we’re okay, pero kaming mga host, nag-uusap-usap. Echosera, okay, eh, ganyan-ganyan, tsutsutsu.
“Minsan, ’di ba, kinakabahan ka, lalo na kapag may tsumismis na ‘naku, sisibakin na ’yan sa ere, ganyan,’ kasi ’di namin alam,” pahayag ulit niya.
Pero nitong mga nagdaang araw, masayang ibinalita ni Vice na okey raw ulit ang ratings ng It’s Showtime.
“Bumalik din kami (sa dating ratings) right away, eh. Hindi ko alam. Pero kasi, ’yung dati naming ratings na 13-14%, parang ’yung normal ratings.
“Tapos, nun’g nagkaroon ng mataas na ratings ang Eat Bulaga, it’s not their normal ratings, lumaki. Parang ang sinasabi, nagkaroon sila ng bagong market na nakuha. Hindi nabawasan ’yung market namin, kasi ’yun pa rin ang ratings namin.
“Kaya nu’ng nag-18% kami, sabi nila, ang saya, kasi ‘na-retain ’yung dati n’yong market at may nakuha na rin kayong bagong market uli. Eh, usually, ang 18% n’yo, grand finals na ’yan, eh, hindi ’yan ’yung regular day,” kwento pa ni Vice.
Sa palagay ba niya malaki ang naitulong ng segment tungkol kay Pastillas Girl para makabawi sila sa ratings?
“Eh ganu’n naman talaga. It’s competition. But it’s nothing personal. You have to keep up with what the competition is catering to the audience, ’di ba?
“Kasi alam naman nating lahat, ’di ba? Iniwan ka ng milya-milya, siyempre, kahit sino naman, kahit atleta ka pa, kung nagtatakbuhan kayong dalawa, nakita mo ang layo na ng takbo ng isa, gagawa ka ng paraan kung paano ka maka-catch up, ’di ba?
“And it’s a business. At hindi naman ito nangyari this time. Ever since, ganyan ang kalakaran. Ito ba ang kauna-unahang noontime show? Hindi naman, ’di ba?” katwiran pa niya.
Eh, ano naman ang reaksyon niya na maraming bumabatikos sa Pastillas Girl segment?
“Nagpapasalamat pa rin ako sa mga tao because they keep on talking about Pastillas. Anuman ang sabihin nila,whether good or bad, for as long as everyone is talking about it, it makes it relevant,” reaksyon niya.
Eh, how about the panggagaya isyu, anong comment niya dito?
“Sino bang nanggaya, sino bang ginaya? Paulit-ulit na lang ’yan. Sino bang original sa mundo? Kahit ano’ng sabihin sa ’yo, for as long as everybody’s talking about you, you remain to be relevant. And in show business, it’s all about being relevant,” pahayag ni Vice.
Source: push.abs-cbn.com