Crazy

[WATCH] May alitan nga ba sina Mich Liggayu at ina ni Jam Sebastian na si Maricar?

March 31, 2015 Crazy / Philippine Trending Videos / Showbiz News

Tatlong linggo na ang nakalipas nang mailibing ang yumaong YouTube sensation na si Jam Sebastian.

Ngunit mukhang hindi pa siya magiging tunay na mapayapa dahil may nabubuo umanong alitan sa pagitan ng kanyang mga naiwan.

Ayon sa mga bulung-bulungan, may tampo daw ang ina ni Jam na si Maricar Sebastian kay Mich Liggayu, ang naulilang fiancée ng binata. Dahil daw ito sa balak ng dalaga na pumasok sa mundo ng showbiz at dahil sa pagkaka-link nito sa baguhang singer na si Neo Domingo.

“Tapos na ‘yung kabanata nila ng anak ko,” malamig na pahayag ni Maricar. Sinubukan naman ng StarTalk na kunin ang panig ni Mich, ngunit tumanggi itong magbigay ng pahayag. Narito ang buong panayam ng Startalk kay Mommy Maricar.

Source: GMA Network

Related Posts

All About Juan