Showbiz News

[WATCH] Mich Liggayu’s ‘flashback’ to JaMich’s first online short film

March 5, 2015 Showbiz News

Ilang oras lamang ang nakalipas nang bawian ng buhay si Jam Sebastian ng YouTube sensation na JaMich matapos ang halos isang taong pakikipaglaban sa stage 4 lung cancer, nag-post ng video ang kanyang fiancée na si Mich Liggayu ukol sa kanilang kauna-unahang short film noong 2011.

Ang naturang video ay ginawa sa tahanan ng mga Liggayu.

ALSO READ: Jam Sebastian’s family decided to let go of him after he consumed his meds

Ayon kay Mich, memorable ang lugar na iyon sa kanya dahil doon sila nag-shoot ng ‘By Chance,’ ang short film na nagsimula ng kanilang pagsikat bilang YouTubers at online sensations.

“Sana pag-open ko ng door, nandyan siya ulit,” nangungulilang sambit ni Mich.

Ibinahagi rin niya sa isang Facebook post na hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala sa nangyari sa kasintahan.

Nais niya umanong ibahagi sa netizens ang kanyang pagdadalamhati at pangungulila kay Jam dahil naging parte sila ng JaMich family sa pamamagitan ng pagsuporta noong bagong YouTubers pa lamang sila hanggang sa pagdarasal para sa kalusugan at kapayapaan ni Jam.

[WATCH] Jam of Jamich passed away at 10:00 am of 03/04/2015

“Pag uwi ko sa house ng parents ko, eto yung sumalubong sakin. Biglang nag flashback lahat. Di pa rin ako makapaniwala. Parang panaginip lang lahat ng nakikita ko.

Gusto ko lang rin ma share sa inyo to kasi family na rin kayo samin… Jamich Family.”

ALSO READ: Yexel Sebastian brother of the late Jam Sebastian of JaMich remembers his brother

Dagdag pa ni Mich, “Ang hirap pala. Yung akala kong ihihirap ng situation, mas mabigat pa pala sa inakala ko.”

Bumuhos naman mensahe ng suporta at pakikiramay hindi lamang sa pamilya ni Jam, kundi at lalong-lalo na para sa fiance ng binata na si Mich.

Bukod sa pag-trend ng ‘RIP Jam,’ ‘Paalam Jam Sebastian’ at marami pang iba, trending topic rin sa Twitter-Philippines ang ‘Stay Strong Mich’ simula noong Miyerkules hanggang nitong Huwebes.

Source: GMA News

Related Posts

All About Juan