ANG KWENTO NG MAGKAPATID
Lagi ka nanaman nakadikit sa Kuya mo!
Ay nako kung nasaan ang kuya nyan andun din sya,
Eh Idol na idol nya yang kuya nya!
yan lagi ang maririnig mo sa mga lolo, lola at magulang namin nuon,
ang sinasabihan nila, ang nagiisang kapatid kong lalaki si JAM,
kaya siguro nung medyo dahan dahan nagkaka isip na sya, medyo lumalayo na ang loob nya sakin,para patunayan na malaki na sya,at maipakita nya sa pamilya namin na hindi na sya maka ‘kuya’dati kung ano ang hilig ni kuya yun, din ang hilig ni Jam kung nasaan si kuya dun din si Jam kahit wala naman syang gagawin dun,naalala ko nuon , nung NBA CARD days lagi ko syang kasama, kasi saling pusa ko sya ,kung nagkokolek ako ng KOBE, sya naman Gary payton hehehe, (jk) palagi,kahit pang odd balls lang ang kaya ng pera namin at mula umaga hanggang gabi andun lang kami,magkasamapero time goes by unti unti ng lumayo ang landas namin,nagka trabaho nako nun 15 years old ako, nag full time ako sa dancing , sya naman, lagi ng nagbabasketball, nag sasayaw padin ako sya naman nag pa
‘wa che lei ‘ng buhok,
nag japan ako , sya naman nagpaka galing sa friendster, este pag edit pala
, pero nakaka tuwang isipin, na malayo kami inside pero iisa lang kami ng bahay
, pero ganon talaga, nagbago ang mga gusto namin, nagbago kung papano manamit, si Jam fashionista , si kuya naman, jologista hehe kung ano lang ang mai suot pwede na,
pero ang totoo ? ang laki ng pagkukulang ko jan, kasi nung panahon na kailangan nya ng isang kuya na mag ga guide, yun naman yun panahon na nag eexplore nako sa buhay , masyado ako nagmadali sa mga bagay bagay
kinain ako ng mga yabang ko, kinain ako ng mga palakpak na natanggap ko,nilamon ako ng systema sa paligid ko, na syang nagpabago sa buong ako, na nakilimutan ko na na meron akong isang kapatid at ina
pero kung anuman ang meron kami ngaun.inaapreciate ko nalang,’HINDI NAMAN PERFECT ANG LAHAT” kasi naisip ko hindi pa naman huli ang panahon, at dahan dahan nagiging okey kami, iba kasi kmi ni jam, tingin ko magaling ako, tingin din nya magaling din sya,parehas kaming hari sa iisang kaharian, kaya hindi kami magkasundo ng husto,
pero totoo naman magaling talaga yan, maabilidad, saka may talino syang natural, may pag iisip syang hindi pinilit, dahil kaloob ng Dios na hindi lahat nabibiyayaan
multi talented yan,can sing can dance , can act, nag mamagic din yan, magaling mag edit, magaling at matalino pag dating sa internet, kita mo naman napasikat nya ang sarili nya, na kahit ako sa sarili ko hindi ko nagawa, halos magka umpog umpog nako nuon sa ka tatambling bilang streetkids, kids at work, at streetboys pero wala pading nangyari, lahat na ata ng palabas na extrahan ko pero wala padin,kaya naisip ko kung hindi ko kaya , eh mas lalo na yung kapatid kong si Jam
pero magaling yan, halos sira ang pangalan namin sa Gma at channel 2 nung mga panahon nayun, kasi lahat ng puntahan namin mareklamo at mapagmarunong kami,
pero si Jam iba yan humukay pa ilalim, idiinaan sa YOUTUBE ang sarili ,humukay papailalim para maka pasok sa malalaking istasyon ng bansa,kung lahat naka pila sa PBB at STARSTRUCK sa Jam iba ang naging pamamaraan, nag ala JUSTIN BIEBER hehe at
, kaya malaki ang pasasalamat ko jan kay Jam kasi dahil sa kanya , eh naka singgit padin ang pa expire at paretiro ng si kuya Yexel, nagkaroon pa ng daan ang mga sarado ng pangarap
nabigyan pa kmi muli ng pag kakataon ng Dios ituloy ang mga matagal ng minimithi ng aming mga puso, kaya salamat Jam , salamat dahil gumagalaw tayo ngayon kung saan natin gusto , gumagalaw tayo ngaun sa dati nating mga pangarap at patuloy padin walang hintuan walang sukuan dahil lalo nat anjan at malakas si Lord sa buhay at isipan natin, saalamat Jam
nakakatuwa lang bigla ko lang naalala at namiss ang ‘ KAPATID KO’
yung dating baby ko, na kahit negro lagi kong kinikiss, lagi kong bitbit, laging kung nasaan ako andun din sya, na miss ko yung batang lagi lang nasa tabi ko, kasabay ko kumain kasabay ko maglaro , kasabay at katabi ko matulog kahit hindi na naliligo rekta na pagkatapos ng laro, pero hindi ko ata nasabi sa kanya mula nung bata pa sya ang mga salitang ito , kasi akward pa sa puso at sa pagiging bata ko din pero
para sa aking KAPATID na si Jam Fernando Sebastian hindi ka nawala sa puso ni kuya yexel siguro masyado lang akong naging busy sa mahabang panahon, dahil kilala mo naman ako,para laging maiiwanan, at may mas malalim parin akong pangarap para satin nila mama
Mahal Kita KAPATID KO!
Na miss kita bunso ko=)
nakalimutan ko sobrang proud ako at happy kung anuman ang meron ka ngaun at lagi akong nandito para sumuporta, txt ka lang broo
from your Kuya,
Kuya Yexel 🙂