Czech national at bading kulong, huli na nag-oral sex sa parking lot

Photo from Facebook: JN Garcia

Nabulabog ang malasawang eksena ng isang dayuhan at isang bading matapos maaktuhan ng dalawang guwardiya na nagsasagawa ng oral sex sa parking lot ng disco bar na matatagpuan sa Brgy. Kamputhaw, Lungsod ng Cebu.

Ang mga nahuli ay isang Czech national, 24-anyos, habang ang bading ay 26-anyos at residente ng Sitio Lagura, Brgy. Bulacao, Cebu City.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay PO1 Christian Rollon ng Fuente Police Station, kanyang sinabi na inaresto nina SG Jefferson Narvasa at SG Junrey Bardago ang dalawang suspek.

Inihayag ng mga gwardiya na nagsasagawa sila ng roving sa mga sandaling iyon at doon naaktuhang nakababa ang pantalon ng dayuhan habang nakaluhod naman ang bading na nagpi-perform ng oral sex.

Sa imbestigasyon ng pulisya, inamin naman ng bading ang nagawa pero iginiit na nadala lang siya sa bugso ng damdamin.

Kuwento ng suspek, nakilala niya ang dayuhan sa gabing iyon sa loob ng disco bar at pagsapit ng umaga habang naglalakad ang dayuhan sa parking lot ay kanya itong sinundan.

Sa gitna ng mga naka-parking na sasakyan ay nangyari ang pagsubo nito sa ari ng Czech national.

Sa ngayon ay nakakulong na sa Fuente Police Station ang dalawa at nakatakdang sampahan ng kasong grave scandal at drunkeness matapos nagpositibo sa liquor test.

Source: bomboradyo.com

Related Post

This website uses cookies.