Philippine Local News

‘Egay’, sasamahan ng isa pang bagyo ngayong linggo – PAGASA

July 6, 2015 Philippine Local News

Inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong linggo ang isa pang bagyo na may international name na Chan Hom.

Sa panayam ng DZMM.com.ph kay PAGASA weather forecaster Aldczar Aurelio, sinabi niyo na posibleng sa Martes o Miyerkules pumasok ng PAR ang Tropical Storm Chan Hom.

Tatawagin itong Bagyong Falcon pagpasok ng PAR.

Sakaling pumasok, nasa border lang ito ng PAR, ayon kay state weather forecaster Gener Quitlong sa hiwalay na panayam ng DZMM.

Posible nitong samahan ang Bagyong Egay na inaasahang lalabas ng PAR sa Huwebes dahil halos hindi ito gumagalaw sa karagatang sakop ng hilagang Luzon.

Magdudulot ito ng pag-ulan sa buong linggo.

“Bagama’t hihina na itong Bagyong Egay o lalayo na, pagpasok naman nitong Bagyong Chan Hom kung saan lalong lumalakas dahil nasa dagat po ito, mahahatak muli itong Habagat kaya masasabi natin itong buong linggo ay makakaranas ng walang tigil ang ulan na mararanasan natin.”

Apat na bagyo ang inaasahan ng PAGASA na papasok sa bansa ngayong Hulyo.

Source: abs-cbnnews.com

All About Juan