Philippine Local News

Grade 2 pupil patay matapos gahasain at ihulog sa loob ng septic tank

July 5, 2016 Philippine Local News

Source: Brigada News Fm Cotabato City

COTABATO CITY – Bangkay na ng matagpuan ang isang Grade 2 pupil ng Punta Central Elem. School sa Brgy. Magsaysay ng bayan ng Parang Maguindanao matapos na pinaniniwalaang gahasahin at patayin sa pamamagitan ng pagsakal bago ibigti saka hinulog sa isang septic tank na nasa loob ng isang abandunadong bodega ng bagoong noong araw ng Sabado.

Sinabi sa Brigada News FM Cotabato ni PCI Arnold Bulusan, hepe ng Parang Municipal Police Station na unang umalis ang biktima pasado alas onse ng umaga hanggang sa hindi nila ito nakasama sa kanilang pananghalian.

Magtatakip silim na ay hindi pa rin umano nakakauwi ang bata kung kayat humingi na ng tulong ang mga magulang nito sa mga kapitbahay maging sa mga otoridad at pasado alas syete ng gabi ay nakita na lamang ang bangkay ng biktima na nakabitin ng patiwarik at isinubo ang kanyang underwear sa loob ng septic tank.

Photo from Facebook: Brigada News Fm Cotabato City

Photo from Facebook: Brigada News Fm Cotabato City

Sumisigaw naman ng hustisya ang mga magulang ng nasabing biktima habang kinumpirma ni Bulusan na may mga tao na rin silang dinampot upang isailalim sa malalimang imbestigasyon kaugnay ng insidente.

Nagpalabas na rin umano ng pabuya ang Lokal na Pamahalaan ng bayan sa pangunguna ni Parang Mayor Dr. Ibrahim Ibay sa agarang ikakaaresto ng mga suspek sa karumal dumal na krimen na ginawa sa nasabing batang biktima. (Jom Dimapalao)

All About Juan