Other

[WATCH] Lalaking hinihinalang nangholdap sa batang nagtitinda ng pandesal, dinakip

October 14, 2014 Other / Philippine Local News / Philippine Trending Videos

Nasa kamay na ng mga pulis ang isang lalaking menor de edad na hinihinalang tumangay sa kita ng isang batang nagtitinda ng pandesal sa Caloocan nitong Miyerkules.
Ito ay matapos mahagip umano sa kuha ng CCTV ang suspek. Namataan ang menor de edad na suspek ngayong araw sa Brgy. Deparo, North Caloocan kung saan na-holdap ang bata noong Huwebes.
Ayon sa pulisya, kapareho ng damit ng naarestong suspek ang lalaking nahagip sa CCTV. Gayunpaman, kinakailangan muna umanong kilalanin ng batang biktima ang suspek.
Giit naman ng suspek, wala raw siya sa lugar ng krimen ng mangyari ang insidente. Dagdag pa niya, hintayin na lamang daw ang biktima na ituro kung sino talaga ang nang-holdap sa kanya.
Matatandaang kumalat sa social media ang video ng bata na nanginginig sa takot matapos holdapin habang nagtitinda ng pandesal sa Caloocan.

Related Posts

All About Juan