Philippine Local News

[WATCH] Tren ng MRT, umandar kahit bukas ang mga pintuan

September 3, 2014 Philippine Local News

Nagkaaberya ang isang tren kagabi, Sept. 2. bandang 8:40PM, nang huminto ito sa gitna ng Guadalupe at Boni Ave. stations dahil may bukas daw na pintuan. Ayon kay YouScooper JaPat Ventura na nakasakay sa tren, inanunsyo ng operator na may bukas na pintuan at mga 20-30min sinubukang ayusin ang problema sa pamamagitan ng pag-reset ng engine at manual na pagsara ng pintuan. Dahil hindi nasolusyunan, binuksan ng operator ang lahat ng pintuan sa kanang bahagi ng tren at saka binagalan ang pagtakbo papunta sa Boni Ave. kung saan pinababa ang mga pasahero.

Related Posts

All About Juan