Travel

[SUMMER DESTINATIONS] Shercon Resort and Ecology Park, Batangas

January 5, 2017 Travel

Photo from Facebook: Jomar Nagamos Alameda

Photo from Facebook: Jomar Nagamos Alameda

Photo from Facebook: Jomar Nagamos Alameda

Photo from Facebook: Jomar Nagamos Alameda

Photo from Facebook: Jomar Nagamos Alameda

Photo from Facebook: Jomar Nagamos Alameda

Photo from Facebook: Jomar Nagamos Alameda

Photo from Facebook: Jomar Nagamos Alameda

Photo from Facebook: Jomar Nagamos Alameda

Photo from Facebook: Jomar Nagamos Alameda

Photo from Facebook: Jomar Nagamos Alameda

Yung Php 700.00 mo, Madadala kana sa Paraiso (Day tour)

Shercon Resort & Ecology Park, Mataas Na Kahoy, Lipa City Batangas

How to get there?
Sakay lang ng bus going to Batangas Lipa (Jam, DLTB etc.) magpababa lang sa Lipa ext. /Tambo Jollibee.

Fare

  • Regular: Php 125
  • Discounted: Php 99

Pag nasa lipa exit na, Sakay lang ng jeep going to Mataas na kahoy at Magpababa lang sa 7/11.

Fare: Php 9.00

Pag nasa 7/11 na, Sakay nalang ng tric papuntang Shercon Resort.

Fare: 15 per/pax.

TIPS and KINESO
Walang corkage fee sa resort. Magbaon na ng pagkain at inumin para makatipid. Samahan mo na ng Alak. Dahil kapag may alak, May _____”. lol

Magpa reserve bago pumunta dahil ubusan ng murang cottage.

  • 09175061204
  • 09228385293
  • 09399047130

Kung daytour lang din kayo kagaya namin, Pumunta ng maaga 8am-5PM.

Maaring mag overnight din sa resort 2pm-12noon. Para sakin, mas okay na mag overnight kayo para hindi mabitin kagaya namin. Sobrang ganda at lawak kasi talaga ng resort.

Goodnews para sa mga SOLOHISTA, kahet hindi na kayo mag cottage. Make sure lang na laging nasa tabi o tanaw nyo ang mga importanteng gamit nyo. Pwede din namang ipasuyo sa mga lifeguard sa area. Mas okay din kung waterproof ang bag nyo 🙂

PS: Pag overnight hindi pwedeng cottage lang. Kelangan room or hotel accomodation. Pinost ko na yung mga prices ng room dito sa album. Medyo pricey? Iconsider nyo po yung length of stay na halos doble sa daytour entrance, “Yung magagastos nyo pang cottage sana” tapos safety and privacy narin. Yung sa cabin and room may libreng entrance naman nang kasama para sa Apat na tao. Yung mga nagsasabing lugi at mahal. Try to compute bessy😁

Entrance fee & Cottages

  • Adults Php 250
  • Kids (4-7y/o) Php 150

Cottages

  • Single kubo good for 10 pax. Php 800
  • Twin Kubo good for 15pax. Php 1000.

Add add nyo nalang at divide mga bes kung magkano lahat. Less than 7hundred pa yan lalo na kung marami kayong maghahati-hati sa cottage.

Naghahanap pa ng sidetrip o dagdag activity? Hindi na kailangan bessy. Sa resort pwede kang mag

  • Wall climbing 150
  • Rappelling 150
  • Zipline (2 rounds) 200
  • All in (3in1) 350

May pa maze runner effect pa! Yung tipong “Pano ba ako makaka alis/labas dito?”. Hindi ko na kaya, Ang sakit sakit na. (Ay, Iba na pala tong sinasabi ko) Hahaha

Travel time: 1hr&30mins to 2hr&30mins pag galing buendia

Pauwi? Sa labas ng resort may mga tricycle na dumaan. Pababa lang kayo ulit sa 7/11 mataas na kahoy. May jeep na don papuntang SM LIPA. Doon yung parang ginawa nilang terminal ng mga bus pa Manila etc.

Kung marami pa kayong oras, Daan muna kayo bago umuwi sa LOMI-HAN sa may tapat ng airbase sa Lipa. Sobrang sarap ng lomi don Pinakamasarap na lomi na ata na natikman ko. Walang halong panloloko, Di ako marunong non

Sana malibot nyo po ng buo ang resort. Tiis tiis lang sa paglalakad kahet nakakapagod dahil sobrang laki.

Enjoy guys! Pa follow nalang sa IG for more adventures. Salamat 😁

  • https://www.instagram.com/heyitsmejoms/
All About Juan