Pinagpapaliwanag ng Malacañang ang EDSA People Power Commission kung totoo ang lumalabas na balita na pinaghahakot nito ang mga local government units ng mga tao para dumalo sa ika-30 taong anibersaryo ng EDSA Revolution.
Base sa ulat, umaalma ngayon ang mga Metro Manila Mayors dahil bukod sa inoobliga sila na magpadala ng tig- dalawang daang libong katao sa EDSA sa February 25 mukhang sila rin ang sasagot sa gagastusin para dito.
Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, ngayon niya lang narinig ang nasabing impormasyon.
Nasorpresa din si lacierda sa dami ng hinihinging tao mula sa mga LGUs kaya aalamin nila ito sa organizer ng nasabing okasyon.
Samantala, sinabi ni Lacierda na mahalaga para sa kanila ang paggunita sa anibersaryo ngayong taon ng unang People Power dahil ito na ang pang-huli sa ilalim ng Aquino administration.
Article of radyo.inquirer.net